Sunday, November 13, 2011

Sorry Sorry Era

FOREVER ♥


Leader is so ...



i am

Quote :)

“IF YOU LOVE SOMETHING LET IT GO, IF IT COMES BACK TO YOU IT’S YOURS, IF IT DOESN’T IT NEVER WAS.”- LEE DONGHAE




what if i don’t want to let you go because you might never come back?

KUNG KUYA MO ANG SUPER JUNIOR... (Source: bamthegreat)

EETEUK: Ang panganay. Breadwinner. Nanay-tatay tandem. Nagger. Nanay nga eh! Tatay na rin kasi sa kanya lagi ang last word. Siya na.


















HEECHUL: Brat/diva na kuya. Ayaw pagalaw ng mga gamit, nagger rin. Madalas mong nakakasagutan pero pag may umaway sayo, isa sya sa mga unang makikipagsabunutan para ipaglaban ka.
















HANGENG: Isa sa mga pinakapaborito mong kuya. Alam niya lahat ng mga crush mo, tutulungan ka niyang mag-ayos ng gamit, at lagi kang linulutuan ng baon para sa school. Kapag may problema ka sa mga kaibigan o kahit anuman, isa siya sa mga pinakauna mong hinahanap.












YESUNG: Ang kuya mong weird at patawa (na laging palpak). Hindi mo lang alam pero lagi ka niyang binabantayan. Laging nagmamatyag at laging sasalo sayo kapag nagkaproblema ka. Yung kapag may assignment ka at mukhang hirap na hirap, lalapit sayo para mag-offer ng tulong. Pero in the end, kakamot ng ulo kasi di niya rin alam ang sagot.








KANGIN: Dakilang bodyguard mo. Lahat ng manliligaw eh kelangang dumaan sa kanya. Strikto, laging sinasaway ang mga suot mo. Laging binabantayan ang mga tumatawag sa phone at hatid-sundo ka palagi sa eskwela. Buhos ang atensyon niya sayo. Siya ang iyong pinakaprotective na kuya.












SHINDONG: Ang kuyang gustong-gusto mong lambingin dahil hindi marunong humindi pag nagpakyut ka na. Kadalasan nasa gilid lang pero siya yung tipo na pag umuwi ka ng gabi, nag-aabang pala sa sala (kasama ni Kangin) sabay tanong ng “SAN KA GALING?! BAT NGAYON KA LANG?” tapos nun sesegunda ng “kumain ka na ba?”










SUNGMIN: Isa sa pinakaclose mong kuya. Close kayo mula nung bata pa kayo. Nakikipaglaro siya sayo at nakikinig sa mga reklamo mo. Pero isa rin sa mga kinatatakutan. Dahil kapag nagalit, sira ang bahay. Maunawain pero strict. Binabantayan mo ang kilos mo para sa kanya kasi ayaw mo siyang idisappoint.










EUNHYUK: Ang kuyang bulakbol. Laging wala sa bahay. Siya yung madalas mong makakasalubong sa kalye kasama mga katropa nya. Tos pag nakita ka, ang sasabihin lang “hoy bat ka nandito? wag kang pagagabi!”. Kaya umuuwi ka nang maaga kasi nakikipag-unahan ka sa kanya. Siya ang tipo na kapag nag-away kayo, kikilitiin ka at lulutuan ng pancit canton bilang peace offering.












ZHOU MI: Hindi mo siya kuya. ATE mo siya, ATE! Kasama mong magshopping, kumain sa labas, manood ng tv, at kung anu-ano pa. Siya ang nag-aayos ng buhok mo at lagi ka niyang binibilhan ng mga kung anu-anong girly stuff na sa tingin niya ay cute. Kasama mo siyang nagtatanggol sa mga crush mo kapag aalaskahin ka ng iba.






SIWON: Ang kuya ng bayan. Maaasahan. Responsable. Kuyang-kuya ang dating. Laging chinecheck ang status ng studies mo at lagi kang pinapaalalahanang magdasal at gumawa ng mabuting asal. Ang kuya mo na masarap idisplay sa lansangan kasi lahat ng tao bumabait sayo kapag napagaalamang kuya mo siya.












DONGHAE: Ang kuya na parang hindi kuya. Parang ikaw pa yung matanda. Iyakin. Mediator. Parang kaedad mo lang. Kuya na madalas mong ibully. Maaasahang tagasalo sa kalokohan (dahil madalas naman eh sabay kayong dalawa napapagalitan) at laging handang makinig sayo.












RYEOWOOK: Ang kuyang maingay, tahimik, magulo, mahinhin. Halo na. Depende sa mood. In charge sa kusina. Hindi masyado nakikisawsaw sa buhay mo pero nag-aalala rin kasama ng iba para sayo.














KIBUM: Ang kuyang apathetic. Laging nasa kwarto niya. Lumalabas lang para kumain o kaya pumasok sa eskwela. Close kayo nung bata kayo pero ngayon eh hindi na. Paminsan-minsan na lamang kayo nagbabonding. Nalulungkot ka bat ganun at umaasa ka na sana magiging close kayo uli.










KYUHYUN: Ang kuyang madalas mong kaaway. Bully. Laging nag-iinis. Siya yung kaagaw mo palagi sa computer, yung kumakain sa mga chocolate na nilalagay mo sa ref, yung nagpapahiya sayo sa harap ng mga kaibigan mo sa pamamagitan ng pagpapakita ng baby pictures or pagkukwento ng mga kasawimpalaran mo nung bata ka. Yung kuya na kahit sa araw ng kasal mo, aasarin ka pa rin pero parang hindi ka na rin nya pakakawalan habang nagsasayaw kayo.


















HENRY: Ang kuya mong ayaw paniwalaan ng mga tao na kuya mo nga. Baby face kasi. Tahimik lang at laging no comment. Minsan eh nagseselos ka kapag mas mukhang nagaalala ang iba para sa kanya kesa sayo. Todo effort siyang magpakakuya kaya lagi ka niyang pinagbibigyan sa kung anuman ang gusto mo.














SINONG KUYA GUSTO MO?